Small Wins, Big Changes: The Power of 1% Growth
- Kaizen

- May 12
- 5 min read
1. Bakit Mahalaga ang Maliit na Pag Lago?
Paano ang 1% Growth ay Nagbabago ng Buhay
Sa mundo ngayon, gusto natin lahat instant — instant noodles, instant likes, instant fame.
Pero sa totoo lang, ang tunay na pagbabago, hindi yan mabilis.
Mas madalas, dahan-dahan, parang pagluto ng adobo — hindi pwedeng minamadali kasi kung hindi, hilaw ang lasa.
Ganun din sa personal growth.
Minsan, 1% improvement lang bawat araw ang kailangan mo para maging mas magaling, mas matalino, o mas malakas.
Para mas madali intindihin, isipin mo ang bike ride.
Kung palagi kang tumataas ng 1% sa speed mo kada araw, hindi mo mamamalayan, mas mabilis ka na kaysa dati.
Ganun din sa skills.
Gusto mong maging magaling na speaker?
Magsimula ka sa short talks, hindi agad public speaking sa Araneta.
Gusto mong maging fit? 10-minute workout lang muna, huwag agad full marathon.
Ang mahalaga, gumagalaw ka.
Bakit Minsan, Mas Ok ang Dahan-dahan kaysa Biglaan
Alam mo yung biglang crush na hindi nagwo-work out?
Yung tipong after one week, naumay ka na?
Ganun din sa goals.
Kapag masyadong mabilis, kadalasan, mas mabilis din sumuko.
Kaya dapat, dahan-dahan pero consistent.
Kasi kung konti-konti ang improvement mo, mas nagiging habit siya.
At pag naging habit na, mas mahirap nang kalimutan.
Plus, may bonus pa: kapag small wins ang focus mo, mas nai-enjoy mo yung journey.
Mas konti ang pressure, mas maraming time mag-celebrate ng progress.
Kaya instead na isipin mo agad yung malaking goal, unahin mo muna yung small wins.
Kasi ang small wins, pag pinagsama-sama, nagiging big win.
2. Mindset Shifts: Ang Importansya ng Small Wins
Overcoming the "All or Nothing" Mindset
Isa sa pinakamalaking kalaban ng 1% growth ay ang "all or nothing" mindset.
Yung tipong kung hindi mo kaya ng perfect, huwag na lang.
Para yang crush mo na hindi mo ni-chat kasi feeling mo hindi ka naman niya papansinin. Pero kung nag-hello ka lang sana, baka may chance, diba?
Ganun din sa goals.
Minsan, kailangan mo lang mag-start kahit maliit.
Example, gusto mong maging fit.
Minsan, ang iniisip agad ng iba, dapat six-pack agad or marathon finisher in three months.
Pero kung ganun lagi ang standard mo, baka sumuko ka na bago ka pa magsimula.
Mas ok na yung pa-konti-konti pero consistent, kaysa one-time big-time tapos burnout agad.
Consistency Beats Intensity Every Time
Parang sa relationships din yan.
Hindi kailangan super intense lagi ang effort.
Minsan, mas sweet pa yung daily “good morning” texts kaysa once-a-year grand gesture.
Ganyan din sa goals.
Hindi mo kailangan maging 100% everyday.
Minsan, 10% effort lang pero daily, mas malayo ang mararating.
Kasi ang consistency, nagbubunga ng habit.
At ang habit, yun ang secret weapon ng mga achievers.
Ang success, parang pagtanim ng puno.
Hindi yan tutubo overnight.
Kailangan ng patience, konting tubig araw-araw, at syempre, sunlight (or motivation).
Hindi mo kailangan mag-wild para mag-grow, basta tuloy-tuloy ka lang.
Eventually, aangat ka din.
3. Small Wins for Big Gains: Practical Tips for Pinoy Teens
A. Physical Growth
Simulan sa Maliit: 10-minute Home Workouts.
Huwag mo nang hintayin ang new year para mag-start mag-workout.
Hindi mo kailangan ng gym membership para magka-abs o maging fit.
Puwede kang magsimula sa simpleng bodyweight exercises, gaya ng push-ups, sit-ups, or planks.
Minsan, 10 minutes lang araw-araw, pero pag consistent, mapapansin mo rin ang progress.
Maglakad ng Konti: Stairs Over Elevators
Pag may time, iwas escalator o elevator.
Kung kaya ng tuhod mo, mag-stairs ka.
Simple pero effective, lalo na kung nasa mall ka.
Plus, nakakatulong din sa pag-develop ng leg muscles, hindi lang sa heart health.
Water Over Soft Drinks (One Step at a Time)
Minsan, ang liit na pagbabago lang, like replacing your daily soft drink with water, malaki na ang epekto sa health mo.
Mas okay din kung flavored water muna kung hindi ka sanay sa plain.
Slowly but surely.
B. Mental Growth
Read 2-3 Pages a Day (Books Over Memes, Minsan Lang)
Hindi kailangan tapusin ang isang libro sa isang upuan.
Kahit 2-3 pages lang a day, malaki na ang epekto sa knowledge mo.
Try mo yung mga short, motivational books o kaya mga articles na related sa interests mo.
Learn a New Word or Fact Daily
Download ka ng dictionary app or follow a “Word of the Day” page.
Mas maganda kung may example sentence para mas madaling tandaan.
Magagamit mo pa ito sa next convo mo, parang instant upgrade sa vocabulary mo.
Practice Gratitude: Write One Positive Thing per Day
Huwag lang puro hugot.
Huwag puro rant.
Huwag puro reklamo.
Huwag feeling entitled palagi.
Minsan, sulat ka rin ng isang bagay na nagpapasaya sayo everyday.
Nakaka-boost ng mood, promise.
C. Relationship Growth
Send a Simple "Kumusta?" to a Friend
Minsan, isang chat lang ang kailangan para ma-save ang friendship.
Huwag nang hintayin ang birthday o big occasion.
Send a message now "just because"... no other reasons needed.
Share a Funny Meme or Memory
Nothing strengthens friendships like a good laugh.
Share mo yung latest meme na nag-crack up sayo or yung pinaka-epic na moment nyo ng tropa mo.
Kelan ka ba huling tumawa na halos maluha ka na sa saya? Kelan ka huling nagpatawa ng iba?
Come on, laught today!
Small Compliments, Big Impact
Hindi mo kailangan ng grand gesture para iparamdam sa kaibigan mo na mahalaga sila.
Minsan, isang simpleng compliment lang, parang “Uy, bagay sayo yan ah!” or “Galing mo dun ha!” malayo na ang mararating.
Wag kang puro pakabig, magbigay ka rin lalo na ng compliments.
Tandaan mo na hindi lahat ng bagay ay tungkol sa'yo.
Hindi ikaw ang sentro ng universe.
4. Real-Life Examples: Proof That 1% Works
Success Stories ng Mga Pilipino na Nagsimula sa Maliit
Maraming Pilipino ang nagtagumpay dahil nagsimula sila sa maliit.
Tulad ni Efren Peñaflorida, ang "Kariton Classroom" guy.
Nagsimula siya sa simpleng pushcart para turuan ang mga batang lansangan.
Ngayon, globally recognized na ang kanyang foundation.
Minsan, isang kariton lang ang difference between giving up and changing lives.
Kung wala kang kariton, gamitin ang kung anong meron ka: isip, puso, pagsasalita, talento, diskarte, etc.
Paano Lumalaban ang mga Small Businesses Gamit ang Kaizen
Maraming small businesses sa Pilipinas ang nag-i-employ ng Kaizen, o continuous improvement.
Yung mga karinderya na dati simpleng ulam lang, ngayon may social media presence na, nagla-livestream pa ng lutuan para mas interactive.
Yong iba bibili ng magagandang damit sa ukay-ukay tapos ireresell nila gamit ang live stream.
Pinasosyal lang ang bentahan.
Gamit ang husay sa pag salestalk.
Small step, big impact.
Yan ang power ng 1% improvement araw-araw.
1% Lang, Pero Consistent
Bakit Mas Worth It ang Maliit Pero Tuloy-tuloy
Ang small wins, yan ang mga silent killers ng excuses.
Hindi mo man makita agad ang epekto, pero sa pagdaan ng panahon, sila yung nagpapalakas sayo.
Parang sipag at tiyaga sa trabaho — maliit na dagdag araw-araw, pero pag tinotal, major level-up.
Your Future Self Will Thank You for It
Balang araw, papasalamat ka na sinimulan mo yung 1% na yan.
Magugulat ka kung gaano kalayo ang narating mo dahil sa mga maliliit na desisyong yun.
Kaya kung nagdadalawang-isip ka pa, simulan mo na.
Your future self will thank you.
Akuin mo na ang prinsipyo ng Kaizen: "Become 1% better every day!"
Discover and live out the power of 1% growth every day!
All the best to you!




Comments